kalungkutan
by ianne tan
created 03/22/2010 @ 130PM
namutawi sa kanyang labi
ukol sa pag-ibig ng walang katapusan
palalo man kung gugunitain
katotohanan mamumutawi din
bigkis ng mga puso nagsimula
pinagpala ng panahon sinimulan
hapang hapa ng mga araw simula
pamumukadkad ng mga rosas sinusimulan
alala sa gunita
ang mga araw na nagdaan
tulad ng balon umapaw sa saya
mga bulaklak nag kantahan sa galak
ngayon at bukas magpakailaman
sumpaan na walang katapusan
kulitan na walang humpay
ng mga matatamis ng pinag-isang labi
damhin ang pusong mainit
hiningan walang kasi init
bulong ng dibdib
sa bawat galaw anong bilis
natapos ang araw
ngiti'y namumutawi
mga tenga'y nagpapalakpakan
sa mga lumilipad na mga salitang pag-ibig
bukas o sa makalawa akala'y hinde didistansya
kasiyahan na nadarama akala'y walang katapusan
ngunit ang katotohanan ay napa-rilasa
buhay na napabaya
pag-iisa'y di hinanap
ngunit panahon ay nagdikta
sa mga labing nag iiyakan
sa mga mata'y lungkot hinde mapinta
katapusan na walang hanggan
kalungkutang hinde maipinta
kantang walang himig
sa panahon ng pag-iisa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment